Layunin ng form na ito na makuha ang mahalagang impormasyon ng pasyente para sa SRH Gabay Kapamilya COVID19 Hotline. Para naman sa mga pasyenteng COVID-19 suspect or mayroong exposure, layunin ng form na ito na malaman ang level ng risk sa naging exposure. Mangyari na pong sagutin ang lahat ng katanungan ng tama at makatotohanan. Lahat ng impormasyong makukuha ay ituturing na pribado at gagamitin lamang para sa konsultasyon, database ng ospital at sa DOH kung kailangan.