TUNGKOL SA YLA
Ipinagmamalaki ng San Diego Pride na idaos ang taunang Pride Youth Leadership Academy (YLA). Binuo ang YLA upang pagbuklurin ang mga kabataang LGBTQ+ sa buong rehiyon upang makibahagi, bigyan ng edukasyon, at bigyan ng inspirasyon ang susunod na henerasyon ng mga lider. Ang mga kabataang dadalo sa YLA ay aalis nang may mga praktikal na kasanayan at nakatuong pagpupursigi upang maging mga ahente ng pagbabago sa loob ng sarili nilang mga paaralan at komunidad. Ang YLA ay isang kasiya-siya, ingklusibo, at masiglang akademya na kinapapalooban ng makasaysayang konteksto, edukasyon para sa LGBTQ, mga kasanayan sa pag-organisa, talakayan ng mga kinakapanayam, at mga aktibidad sa pagbuo ng pangkat na nagbibigay ng kaalaman at motibasyon sa mga kalahok na maging matagumpay sa lahat ng ginagawa nila.
MGA TRACK PARA SA KABATAAN
Mayroong dalawang track para sa mga dadalong kabataan sa YLA: mga sa unang pagkakataon at isang advanced track para sa mga bumabalik na dadalo sa YLA o kabataang may malaking karanasan sa pamumuno. Maaari mong piliin ang iyong track sa aplikasyon sa ibaba.
TRACK PARA SA KABATAANG ADULTO (TAY)
Sa kauna-unahang pagkakataon sa 2022, magbibigay kami ng track na partikular para sa mga kabataang adulto (tinatawag ding mga kabataang nasa transisyonal na edad) na nasa mga edad na 18-24. Ang track na ito ay magbibigay sa mga kabataang adulto ng mga kasanayan upang magdulot ng epekto sa mga adhikaing mayroon silang malasakit. Magpopokus ang TAY track sa propesyonal at emosyonal na pag-unlad na kailangan ng ating mga lider sa hinaharap upang lumikha ng pangmatagalang pagbabagong nais nilang makita sa kanilang mga komunidad. Mag-sign up para sa aming TAY track dito:
MGA APLIKANTENG ADULTO (MGA MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA/EDUKADOR
TUMIGIL! Mangyaring punan ang hiwalay na aplikasyon para sa magulang/tagapag-alaga/tagapagturo
AKSESIBILIDAD
Nakumpirma na ang mga serbisyo ng interpretasyon para sa American Sign Language para sa event ito. Magbibigay kami ng mga nakareserbang upuan para sa mga gagamit ng mga ASL interpreter at mga may pangangailangan sa aksesibilidad sa unang hanay. Mapupuntahan ang lugar ng lahat ng mobility device. Mayroon aksesibol ng mobility device na restroom para sa lahat ng kasarian sa lugar. Para sa anumang iba pang mga pangangailangan para sa akomodasyon, mangyaring mag-email sa accessibility@sdpride.org ng hindi bababa sa isang linggo event.