REMINDER: PLEASE READ THE GUIDELINES IN FULL and make sure to follow health, safety and security protocols for all pets booked under Biyaheng Biyaya.
Please read our Spay & Neuter FAQ's and Guidelines HERE.
BIYAHENG BIYAYA GUIDELINES
1. Pumili ng schedule at meet-up point ng Biyahe na pinaka malapit sa inyong lugar
2. Kumpletuhin ang lahat ng imporamasyon na kailangan at hinihingi ng form na tio
3. Bayaran ang buong halaga ng kapon, additional services na inyong pinili, at transportation.
Important: Ang partial payment ay hindi pinapayagan para sa Biyaheng Biyaya. Ang mga magpapadala ng partial payment ay hindi maisasama sa listahan ng Biyahe hanggat hindi nakukumpleto ang kabuoang halaga ng aming serbisyo.
4. Hintayin ang aming confirmation email at text message para sa exact location at mismong oras ng pag sundo at hatid sa meet-up point.
Reminder: Ang oras ng sundo at hatid ay magkakaiba depende sa location at layo nito mula sa aming Spay & Neuter Clinic sa Katarungan St. Mandaluyong. Hintayin lamang ang aming text message to confirm pag nasa meet-up area na ang L300 van ng Biyaheng Biyaya.
Biyaheng Biyaya Transportation Fee
Ang transportation fee para sa sundo at hatid ay computed per pet. Mas madaming pets na ipapa-Biyahe, mas mababa at makakatipid kayo sa pamasahe.
No. of Pets |
Cats |
Dogs |
1 to 5 |
P300 / cat |
P500 / dog |
6 to 10 |
P200 / cat |
- |
11 to 15 |
P150 / cat |
- |
16 to 20 |
P100 / cat |
- |
Sample computation:
5 cats + 1 dog = (5 x P300) + (1 x P500) = P1500 + P500 = P,2000 na kabuoang transportation fee
Isang paalala na hindi kasama sa transportation fee ang bayad sa kapon. Please check ang total sa dulo ng form na ito, para sa kabuoang halaga na dapat ninyong bayaran.
Additional Reminders:
1. Please do not come too early. Ang aming team ay magpapadala ng text message or kokontact sa inyo para mapag bigay alam ang actual meet-up area at kung andoon na sila.
2. Please do not be late. 15 minutes lang din po ang allowed waiting time sa atin ng bawat establishment. Maaaring paalisin ang Biyahe L300 sakaling lumagpas tayo sa ibinigay nilang oras sa atin.
3. Siguraduhin na nasa secured cage o travel crate ang inyong mga alaga. Magpabaon din ng towels na pwede ipantakip sa kanila para makabawas sa stress.
4. Ang booking para sa Biyaheng Biyaya ay advanced registrations only. Siguraduhing magpa-book at least 2 days bago ang napili ninyong schedule.
5. Limited lamang po ang slots to 30 pets per Biyahe at 1st come 1st served basis ang ating sinusunod. Sakaling mapuno na ang slot na inyong nais, piliin ang susunod na available schedule sa malapit na meet-up point sa inyong lugar.