KASUNDUAN PARA SA PAGSUBOK NA PAMAMASUKAN
(CONTRACT FOR PROBATIONARY EMPLOYMENT)
ALAMIN NG LAHAT:
Ang KASUNDUANG ito na ginawa at pinagtibay ngayong ika- {petsaNg} sa Pandacan Manila, Pilipinas, sa pagitan nina:
MANILA KLEAN FUEL CORP../ stationAssignment}, isang lehitimong kumpanya na may karampatang-tala sa ilalim at sa bisa ng batas na umiiral sa Republika ng Pilipinas, na may pahatirang sulat sa , #1881 PRESIDENT QUIRINO AVE, PANDACAN MANILA dito ay makikilala bilang KUMPANYA;
-at-
{name}, may sapat na gulang, at may pahatirang sulat sa {tirahan},dito ay makikilala bilang MANGGAGAWA- {position}.
AT DITO AY AMING PINAGTITIBAY
YAMANG ,ang MANGGAGAWA ay umaplay sa PAGSUBOK NA PAMAMASUKAN (Probationary Employment) sa pagawaan ng KUMPANYA na matatagpuan sa #1881 PRESIDENT QUIRINO AVE, PANDACAN MANILA at ang KUMPANYA ay tinanggap ang aplikasyon ng MANGGAGAWA bilang isang {position} sa ilalim ng mga sumusunod na tadhanaing isinasaad dito.
KUNG KAYA,alang-alang sa mga sinusundang batayan , ang bawat panig ay sumang-ayon at nagkasundo sa mga sumusunod:
1- Na ang MANGGAGAWA ay sumang-ayon na mamasukan bilang PAGSUBOK NA MANGAGAGAWA (PROBATIONARY WORKER) sa pagawaan ng KUMPANYA batay sa ARAWANG PASOK (daily basis) , sa loob ng Anim (6) buwan simula ika- {date} hanggang sa ika- {endOf} . At ang MANGGAGAWA ay ituturing na huminto/tumigil sa pamamasukan sa KUMPANYA, maliban na lamang kung ang pamamasukan ng MANGGAGAWA ay pahabain ng ilang araw, na ipapaalam sa kanya sa pamamagitan ng liham bago ang katapusang-petsa ng kasunduang ito.
2- Sa panahong ang MANGGAGAWA ay magnanais na tapusin ang kaniyang empleyo sa pamamagitan nang kusang loob na pagbibitaw sa kanyang trabaho, ang MANGGAGAWA ay nararapat na magbigay nang hindi bababa sa tatlumpung (30) araw na palugit mula sa araw ng pagpasa ng liham sa pagbibitaw sa trabaho o “RESIGNATION” sa HUMAN RESOURCES DEPARTMENT.
3- Na ang MANGGAGAWA ay bibigyan ng ebalwasyon alin sa ika-3 ng buwan o ika-4 ng buwan ng kanilang panunungkulan. Na base sa mga sumusunod na dahilan ang isang MANGGAGAWA ay maaring bumagsak sa ebalwasyon at ituturing na nagtapos na ang probationary employment kung ang MANGGAGAWA ay gagawin ang isa sa mga sumusunod tulad ng pagliban ng 5 beses sa panahon ng probationary employment, may late na 100 minutes sa buong probationary employment, mis load at iba pang paglabag sa patakaran ng kumpanya na may kaparusahang suspension.
4- Na batay sa isang makatarungan at balidong dahilan, o kaya ay kung walang nakalaang gawain, ang MANGGAGAWA ay maaaring pagbakasyunin o kaya ay tanggalin sa trabaho, kahit pa maaga sa pinagkasunduang panahon, nang walang obligasyon sa panig ng KUMPANYA;
5- Na ang MANGGAGAWA ay bibigyan ng karampatang sweldo sa halagang {sahodKada64} /kada araw.Subalit, kung siya ay hindi makapasok sa trabaho sa araw ng pasok, siya ay hindi mababayaran para sa araw na iyon;
6- Na ang regular na oras ng pagtatrabaho ay base sa shifting schedule, subalit maaaring magtrabaho nang kusang-loob ang MANGGAGAWA sa oras ng OVERTIME , kung ito ay kinakailangan sa operasyon, at kung saan ang MANGGAGAWA ay bibigyan ng karampatang-bayad para sa dagdag na trabaho (Overtime pay);
7- Na ang KUMPANYA ay may kaukulang karapatan na maglipat sa MANGGAGAWA mula sa isang posisyon tungo sa ibang posisyon/departamento kung ito ay kinakailangan;
8- Na kung ang MANGGAGAWA ay lumiban mula sa trabaho ng tatlong (3) magkakasunod na araw nang walang paunang-sabi sa KUMPANYA, ang MANGGAGAWA ay ituturing na kusang-loob na tumigil/bumitiw sa kanyang pamamasukan , at ang kasunduang ito ay ituturing na nagwakas o natapos na;
9- Na ang MANGGAGAWA ay matapat na susunod at tatalima sa lahat ng Patakaran at Panuntunan na ipinapalaganap ng KUMPANYA para sa mabisang pagtakbo ng operasyon/istasyon at para sa maayos na paggabay sa bawat manggagawa, at ang anumang paglabag at hindi pagsunod dito ay maaaring bigyan ng karampatang-aksyon pandisiplina ayon sa itinatadhana ng patakaran;
10- Na ang MANGGAGAWA ay sumasang-ayon na hindi ibunyag o ipaalam sa ibang tao ang anumang konpidensyal na impormasyon hinggil sa mga sistema sa istasyon/operasyon, pormula, proseso, at pamamaraan na ginagamit at isinasakatuparan ng KUMPANYA at ng mga kaanib nitong kumpanya o organisasyon, na malalaman at matututunan ng MANGGAGAWA sa loob ng kanyang panunungkulan sa KUMPANYA;
11- Na, sa pagkakataon na makawala o makasira ng Company Service Phone o di kaya Company Mobile App, ang manggagawa ay sumasang-ayon na magbabayad ng katumbas na halaga sa pamamagitan ng "cash basis" o "salary deduction".
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang bawat panig ay lumagda sa ibaba nito ngayong ika- {petsaNg} sa Pandacan Manila, Pilipinas.
Lagda Mula sa:

Manila Klean Fuel Corp
Nica V. Cayaban
HR- Recruiter