Pagkakasakit ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming mahirap sa Pilipinas. Bukod kasi sa magastos ito, kung ang tinamaan ay ang breadwinner, maari pang mawalan ng kita.
Double whammy kumbaga. Kaya naman sinusuportahan ko talaga ang unversal health law natin. Sa tingin ko ay dapat itong i-prioritize at paglaanan ng budget.
Naniniwala akong ang isang taong malusog ay magiging produktibo kaya makakaganda ito sa ekonomiya ng Pilipinas. Bukod sa universal health law, nariyan din ang SSS na maaring makapagbigay ng sickness benefit assistance.
Dahil maraming nagtatanong sa akin kung magkano daw ang maari nilang makuhang sickness benefit, minabuti kong gumawa na lang ng isang app para sagutin ito. Napapagod na kasi akong mag-compute isa-isa, may iba pa namang napaka-demanding. Hehe.
Anyway, ang app na ito ay maglalabas ng ESTIMATE lamang base sa rules ng SSS at base sa inilagay ninyong impormasyon. Maaring mas mataas o mababa ang makukuha mo batay sa magiging calculation ng SSS.
At the end of the day, ang SSS pa rin ang masumusunod. Please fill up the information asked from you.